Posts

Showing posts from January, 2023

Sci-fi Video

 

Poem

  Pag-ibig na Bulag Narito ako palaging sumusulyap sa iyo, Hangad ay mapansin mo ako. Hindi mapapagod na ika’y puntahan, Mapansin mo lamang ako aking mahal.   Pag-ibig ko ay sa iyo lamang iaalay, Inspirasyon ko’y ikaw sa’king buhay. Hindi lamang alam kung paano maibibigay, Pagmamahal ko na sayo’y gustong ilaan.   Aking mga kahilingan ay iyong pakinggan, Nais kong maging iyong kagustuhan, Nais kong maging iyong hinahangad, Nais kong maging iyong pinapangarap.   Pansinin mo naman ang pag-ibig ko. Walang ibang nais kung hindi ang tulad mo. Hindi lamang masabi ng diretso, Itong mga nararamdaman ko sa iyo.   Aking pangako ay simple lamang, Wala akong ibang iibigin kung hindi ikaw. Kahit na malabong ikaw ay makamtan, Wala akong plano na ito ay palitan. My Meaning of Death We can say that it is a peace, Some people said that it is a rest, Others said that it is scary, But this situation was can’t be carry. ...

Journals

  Dear Journal, Hindi ko alam ang aking nararamdaman. Magkahalong kaba, excitement at tuwa ang aking nadarama. Nagsimula na nga kami ng leksyon sa subject na creative writing at ngayon ay gustong malaman ng aming guro kung talaga bang may nalalaman kami ukol sa kanyang subject. Nagpakita siya ng isang larawan at tinanong kung ano ang aming nakikita sa larawan na iyon. Maraming mga sumagot at ang bawat isa may may kanya kanyang obserbasyon. Maya maya pa ay itinanong kami kung ano ang mas gusto naming lenggwahe. Tagalog ba o ingles. Nahati sa dalawang grupo ang aming klase. Team ingles at team tagalog. Sa tagalog ako napunta sapagkat mas gusto ko ang lenggwahe na ito. Dito ako mas nadadalian. Ipinasulat kami ng kwento batay sa larawan na nasa harapan gamit ang lenggwahe na aming pinili. Akala ko ay iyon lamang ang aming gagawin, ngunit hindi pala. Pinapili kami ng mga ka grupo at nagbigay ng gawain ang aming guro. Mula sa nabuong grupo ay magsama sama na kumuha ng tag iisang litr...

Short Story

  How can you tell that you're in love? How can you tell that you love someone? And how can you tell that you're ready to take a risk in terms of being in a relationship? If you know the answers please tell it to me, because me... I cannot answer those questions. I'm confused about love, I'm confused about relationships, and I'm confused about myself. Love is fun, comforting, and hurting.   John’s POV "John, tanggapin mo naman itong regalo kong cookies... Niluto ko ito kaninang umaga para lang sa iyo, sobrang gusto talaga kita John, please pansinin mo ako." Nakakarinding mga salitang narinig ko mula sa isang taong hindi ko gusto. Sa totoo lang maraming taong humahabol sa akin, kesyo gwapo, matalino, o seryoso daw ako. Hindi ko naman sila pinapansin sapagkat isang tao lamang ang aking gusto. At ang taong iyon ay hindi ako ang nais, hindi ba siya mahilig sa gwapo, matalino, at seryoso? "Ayoko nyan, sorry kainin mo nalang," mahinang sago...