Journals
Dear Journal,
Hindi ko alam
ang aking nararamdaman. Magkahalong kaba, excitement at tuwa ang aking
nadarama. Nagsimula na nga kami ng leksyon sa subject na creative writing at
ngayon ay gustong malaman ng aming guro kung talaga bang may nalalaman kami
ukol sa kanyang subject. Nagpakita siya ng isang larawan at tinanong kung ano
ang aming nakikita sa larawan na iyon. Maraming mga sumagot at ang bawat isa
may may kanya kanyang obserbasyon. Maya maya pa ay itinanong kami kung ano ang
mas gusto naming lenggwahe. Tagalog ba o ingles. Nahati sa dalawang grupo ang
aming klase. Team ingles at team tagalog. Sa tagalog ako napunta sapagkat mas
gusto ko ang lenggwahe na ito. Dito ako mas nadadalian. Ipinasulat kami ng
kwento batay sa larawan na nasa harapan gamit ang lenggwahe na aming pinili.
Akala ko ay iyon lamang ang aming gagawin, ngunit hindi pala. Pinapili kami ng
mga ka grupo at nagbigay ng gawain ang aming guro.
Mula sa nabuong
grupo ay magsama sama na kumuha ng tag iisang litrato batay sa tema na napili.
Ang tema ng aming grupo ay "Typical Day in Tirona" o normal na araw
sa aming paaralan. Recess time ng maisipan naming simulan ang paghahanap sa mga
magagandang lugar na pwedeng kuhanan ng litrato. At ilang sandali lamang ay
nakumpleto namin ang aming ninanais. Marami kaming nakuhang litrato gaya ng mga
tao sa basketball court, estudyanteng tumatambay sa labas, si kuya guard na
kumukuha ng temperatura, normal na mag aaral sa silid aralan, at marami pang
iba na masasabi mong natural at walang halong anumang script. Pinagsama sama
namin ang labing isang litrato gaya ng bilang kung ilan kami sa grupo. Galing
sa mga litrato ay gumawa na kami ng istorya na pwedeng ikwento. Ang istoryang
aming nabuo ay tungkol sa isang mag aaral ng Tirona na gustong ikwento ang
kanyang mga karanasan sa nasabing paaralan. Ako ang nag pasa ng litrato sa aming
guro gamit ang online. Kinabukasan, isa isang nagtawag si mam ng tag iisang tao
na galing sa mga grupong nabuo upang ipaliwanag ang kanya kanyang gawa. Hindi
ako natawag ngunit ako ay naghanda pa din kahit na ganoon.
Sa huli ay
masasabi mong medyo nahirapan kami sa paghahanap ng mga lugar na pwedeng
kuhanan ng litrato ngunit ang aking natutunan sa bagay na ito ay huwag mag
aalala sapagkat lahat ng bagay o misyon ay matatapos kapag nagtulungan. Kagaya
ng aming ginawa. Nagtulungan kami kaya natapos ang aming asignatura. Ang pinaka
natutunan ko dito ay pagtutulungan ang higit na kailangan.
Dear Journal,
Ngayong araw ay
hindi ko talaga makakalimutan. Nagsimula na ang aming leksyon ukol sa paggawa
ng journal at madali lamang siyang intindihin. Ang aking natutunan sa topic na
ito ay ang journal ay isang tipo ng pagsulat na hindi ginagamitan ng anumang
pagsisinungaling. Isa itong natural na uri ng pagsulat. Lahat ng iyong
obserbayon, damdamin at iniisip ay maaari mong isulat dito.
Binigyan kami ng
aming guro ng isang gawain na talaga namang susubok sa aming pagiging matapat.
At ito ay ang pag rere enact ng isang sinaryo tungkol sa hindi namin
makakalimutang memorya o araw partikukar sa isang subject. Pagkatapos ay
kakantahin ang konklusyon na naisip para sa sinaryo na iyon. Bawat grupo ay may
kanya kanyang subject na kailangang gawan at ang napunta sa amin ng aking mga
ka group ay ang practical research 2. Ang hindi namin makakalimutang memorya
dito ay ang pagrereject ng mga research studies na aming prinesenta kay sir.
Ang aming konklusyon naman ay mahirap ang nasabing subject kung kaya gusto na
naming hindi ito gawin ngunit hindi maaari sapagkat ito ay mahalaga. Isang araw
lamang kaming nag usap at kinabukasan na agad ang prisentasyon ng aming task.
Naging maayos naman ang prisentasyon ng aming grupo at nakakatuwa na napangiti,
tawa, at saya naming ang aming mga kamag aral dahil sa aming ipinakita.
Sobrang saya ng
kinalabasan ng aming prisentasyon at ang aking natutunan ay madali lamang gawin
ang isang bagay basta ba may maayos na usapan at malinaw na gagawin. Kagaya na
lamang ng ginawa namin na pag uusap kung ano ang ipapakita para sa task na ito.
At syempre hindi mawawala ang mahalagang aral na kooperasyon. Kailangan nito
upang mas maging maganda at maayos ang gagawin ng isang grupo.
Dear Journal,
Isa nanamang
hindi makakalimutang pangyayari ang nangyari sa akin ngayong araw. Paano ba
naman na late ako sa aming klase ng mahigit sampung minuto at pagka pasok ko ay
nagsisimula ng maglesson ang aming guro. May tinatanong siya sa isa kong
kaklase ukol sa napagusapan nuong nakaraang araw at nakakatuwa naman na lahat
ng kanyang tinawag ay nakasagot.
Maya maya pa ay
may inilabas si mam na tatlong litrato at inihati kaming lahat bata sa unang
letra ng aming apelido. Hindi ko na tanda ang pagkakasunod sunod ngunit upang
hindi ka maguluhan journal, bibigyan kita ng halimbawa. (A hanggang N ay para
sa unang larawan.) ayan ganyan ang kanyang ginawa. Ang tatlong larawan nga pala
ay it, detective conan at ang ikatlo ay nakalimutan ko na. Ang napunta sa akin
ay si pennywise galing sa palabas na it. Ang sabi ng aming guro ay maglagay
kami ng what if namin sa palabas na napunta sa amin. Ang aking nilagay ay
"what if pennywise was not a clown, but a lonely young boy who doesn't
have any friends. That's why he's kidnapping kid that he can force to be his
friend." at pagkatapos ay ibigay daw sa katabi upang bigyan ng feedback.
Maganda naman ang sabi ng aking katabi tungkol sa aking gawa. Masaya ako na
maganda ang kinalabasan ng aking what if kahit na hindi ko pa naman napapanood
ang it.
Ang saya malaman
na makakagawa ka ng isang bagay na hindi mo alam gaya ng nangyari sa akin
ngayon. Nakabuo ako ng what if tungkol sa palabas na hindi ko pa napapanood.
Salamat talaga sa mga nagkwento kung ano at tungkol saan ang it. Natutunan ko
na sa pamamagitan ng pakikinig at pagbibigay atensyon sa mga bagay na iyong
naririnig ay malaking tulong upang ikaw ay may natutunan.
Comments
Post a Comment