Poem

 

Pag-ibig na Bulag

Narito ako palaging sumusulyap sa iyo,

Hangad ay mapansin mo ako.

Hindi mapapagod na ika’y puntahan,

Mapansin mo lamang ako aking mahal.

 

Pag-ibig ko ay sa iyo lamang iaalay,

Inspirasyon ko’y ikaw sa’king buhay.

Hindi lamang alam kung paano maibibigay,

Pagmamahal ko na sayo’y gustong ilaan.

 

Aking mga kahilingan ay iyong pakinggan,

Nais kong maging iyong kagustuhan,

Nais kong maging iyong hinahangad,

Nais kong maging iyong pinapangarap.

 

Pansinin mo naman ang pag-ibig ko.

Walang ibang nais kung hindi ang tulad mo.

Hindi lamang masabi ng diretso,

Itong mga nararamdaman ko sa iyo.

 

Aking pangako ay simple lamang,

Wala akong ibang iibigin kung hindi ikaw.

Kahit na malabong ikaw ay makamtan,

Wala akong plano na ito ay palitan.




My Meaning of Death

We can say that it is a peace,

Some people said that it is a rest,

Others said that it is scary,

But this situation was can’t be carry.

 

We don’t have any idea,

It doesn’t have any criteria.

We can construct a lot of prediction,

But we can’t do a lot of preparation.

 

If this situation choses you;

You don’t have any choice but to go.

It is something that uninteresting,

But we need to accept that it is existing.

 

Death is an event that we can’t be measure.

It is something that has a lot of pressure.

It is also a topic that is heavy on feeling,

We should accept that we will go to that thing.

 

If there’s something more painful than break-up,

Well that is losing someone you loved.

Not because of choosing their own paths,

But because of the death that we don’t want.




Padayon, Kabayan

Mundong punong-puno ng problema,

Solusyon na sobrang hirap makita,

Kailangan malagpasan nang guminhawa,

Saan hahanapin kung buhay ay walang sigla.

 

Buhay natin ay ating mahalin.

Dapat ito’y hindi natin tapusin.

Labanan problemang mayroon,

Maginhawang buhay tayo’y magkakaroon.

 

Sa ating buhay tayo’y may karamay,

Palagi lamang gawin ang pagdadasal.

Sa kanya tayo ay humingi ng gabay.

Huwag kalimutan Diyos sa ating buhay.

 

Huwag nang isipin ang problema,

Mas maraming solusyon kasya sa isa.

Magpahinga lamang kung napagod na,

Huwag susuko hanggang tayo’y sumaya.

 

Problema atin itong masosolusyunan.

Huwag lamang sumuko at ito’y labanan.

Sa ating buhay problema hindi talaga lilisan,

Maging matapang at ito’y malalagpasan.

Comments