Short Story

 

How can you tell that you're in love? How can you tell that you love someone? And how can you tell that you're ready to take a risk in terms of being in a relationship? If you know the answers please tell it to me, because me... I cannot answer those questions. I'm confused about love, I'm confused about relationships, and I'm confused about myself.


Love is fun, comforting, and hurting.

 

John’s POV

"John, tanggapin mo naman itong regalo kong cookies... Niluto ko ito kaninang umaga para lang sa iyo, sobrang gusto talaga kita John, please pansinin mo ako." Nakakarinding mga salitang narinig ko mula sa isang taong hindi ko gusto. Sa totoo lang maraming taong humahabol sa akin, kesyo gwapo, matalino, o seryoso daw ako. Hindi ko naman sila pinapansin sapagkat isang tao lamang ang aking gusto. At ang taong iyon ay hindi ako ang nais, hindi ba siya mahilig sa gwapo, matalino, at seryoso?

"Ayoko nyan, sorry kainin mo nalang," mahinang sagot ko kay Natasha habang nakatingin sa malayo.

"Sayang naman John, matamis, malasa, at malaki pamandin itong cookies na gawa ko," malungkot na sagot ni Natasha habang nakatingin sa ibaba hawak ang cookies na nasa karton at may puso pang disenyo.

"Pasensya na hindi ako mahilig sa cookies, ibigay mo na lamang sa iba o ‘di kaya ay kainin mo na lamang." Tumingin ako sa kanya habang sinasabi ang mga katagang iyan, nginitian ko siya at hinawakan ang kanyang kamay upang kahit na papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Kita naman sa itsura ni Natasha ang magkakahalong mga emosyon na lungkot, tuwa, kilig, at pagkadismaya.

"S-sige John, kakainin ko na lamang ito, salamat sa oras mong makipag usap sa akin," malungkot na sagot ni Natasha habang nakangiti. Mahahalata mo sa kanyang mga mata ang mga luha na malapit ng bumagsak. Umalis ito pagkasabi ng kanyang mga sagot at ako naman ay nanatili lamang sa aking kinauupuan. Nandito lamang ako sa aming classroom sapagkat ayokong lumabas.

 

Natasha's POV

 "Kamusta bes? Tinanggap nya ba ang regalo mo? Ano nagustuhan nya ba? Ang daya mo ah, ako walang regalo galing sa iyo pero si John halos araw-araw meron," sunod sunod na tanong ng aking kaibigan na si Natalie. Hindi pa din mawala sa aking loob ang sakit at lungkot na naramdaman ko kanina. Halata kay John na hindi niya ako gusto, halata na kailan man ay hindi niya ako magugustuhan.

"Hindi niya tinanggap bes, pinilit ko pero ayaw," malungkot at tipid kong sagot kay Natalie. "Sayang naman itong pag aayos ko ng sarili, nag ribbon pa ako ng pula sa buhok, nagpabango, nag suot ng kumpletong uniporme, nag pulbo, in short nag ayos... Pero hindi nya din pala tatanggapin," dagdag ko.

"Hayaan mo na bes, baka naman busog lang siya o di kaya ay sadyang ‘di mahilig sa cookies kaya imbes na ibigay sa iba o itapon-

"Bigay sa iba? Tapon!? Huh!?" natigil si Natalie nang nagtanong ako ng pasigaw. Nagulat ako sa aking mga narinig. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga katagang iyan.

"Ahh o-oo bes... N-nakikita k-ko madalas n-na yung mga binibigay mo k-kay John ay binibigay sa i-iba or worst, t-tinatapon n-niya," utal utal na sagot sa akin ni Natalie. Halatang nadulas na lamang siya sa kanyang nasabi at ngayon ay pinagsisisihan niya ito. Kumakagat siya sa kanyang mga kuko at halatang kinakabahan.

"May mas masakit pa pala sa bagay na tanggihan ang iyong bigay," tipid na sagot ko. Itinuloy ko nalang ang pagkain ng cookies na bigay ko sana kay John habang nakaupo at nag iisip. "Wag mo nang isipin yung nasabi mo, oh kumain ka," alok ko kay Natalie. Kumain kami ng sabay bago pa man maubos ang oras ng recess at saka nag aral para sa mahabang pagsusulit sa susunod na subject. Gaya ng inaasahan ay si Fred pa din ang pinaka mataas ang score sa aming quiz. Siya ang aming top 1.

 

John's POV

"Angat nanaman si Fred ah, siya daw pinaka mataas sa kabilang section sabi ng isa kong tropa." Napatigil ako sa pagkain ng lunch ng biglang magsalita ang aking kaibigan. Kanina pala ay nag long quiz kami sa Philosophy at gaya ng inaasahan ay mahigit kalahati lamang ang aking nakuhang marka. Mahirap para sa akin na makakuha ng sobrang taas na marka sa subject na iyan, sapagkat mahina ako pagdating sa philosophy. Inaamin ko na may kaunting inggit akong nararamdaman, ngunit ang mas mataas ay ang paghanga sa isang tulad niyang seryoso sa pag aaral.

"Hindi ako makapag seryoso sa aking pag-aaral ngayon, ang daming sagabal na problema. Sama mo pa yung mga humahabol at nakikipag usap sa akin na mga babae, kesyo tanggapin ko daw yung regalo nila. Sinabi ko nang ayaw ko pero pinipilit pa din ako. Ending, naubos oras ko kakausap sa kanila. Hindi tuloy ako makapag review ng maayos dahil sa mga taong yun," mahabang reklamo ko sa aking kaibigan na si Gerald.

"Ang dami pa rin talagang humahabol sa iyo noh pare? Grabe ako kaya kailan kaya ako hahabulin? HAHAHA," masayang sagot ni Gerald. Tsk kung alam niya lang ang feeling na habulin, ‘di niya na ito kailan man gugustuhin.

"Wag ka ngang mainggit sa ganon, buti nga ikaw nakakapag focus sa pag-aaral kaya ayan tignan mo, pasado ang score mo, ‘di tulad sakin bagsak. ‘Di manlang naka abot sa passing score," tugon ko.

"Alam mo pre, siguro nga dapat na akong mag ayos ng sarili tulad mo, ang ganda mo manamit halos lahat bagay sayo, miski ayang buhok mo napaka pulido ng pagkaka ayos tapos ang bango mo pa. Miski nga ako sayo naiinggit eh," seryosong sabi ni Gerald.

“Ginagawa ko lang naman yung mga bagay na alam kong tama para mag mukhang disente HAHAHA," pabirong sagot ko. "Pero alam mo Gerald? Gusto ko na talaga matigil yung pang hahabol nila sa akin. Gusto ko na magkaroon ng tahimik na recess, maayos na lunch, at payapang oras ng uwi. Palagi nalang kase may kumakausap sa akin sa classroom tuwing recess, tumutingin sa canteen tuwing kumakain tayo ng lunch, at humahabol sa daan ko pauwi. Nakakasawa at nakakainis na ang ganon," malungkot at seryosong reklamo ko.

"Ayaw mo ba talaga ng mga babae na humahabol sayo? Magaganda naman ang karamihan sa kanila. Tsaka isa pa mukhang seryoso ang nararamdaman sa iyo?" tanong ni Gerald.

"Ayun na nga bukod sa wala akong matipuhan, ayoko din na marami akong masaktang damdamin. Oo makikita mo ako na nagbibigay sa iba ng mga pagkain na bigay sa akin, oo nakikita mo minsan tinatapon ko. Pero ang mga iyon ay ginagawa ko lang sa dalawang dahilan - una maaaring allergic ako sa pagkain na bigay kaya tinatapon ko, pangalawa naaawa ako sa taong walang pagkain kaya binibigay ko," mahabang sagot ko. Hindi naman talaga masama ang ugali ko. Sadyang ayoko lang mapahamak at maka sakit ng damdamin kaya ko iyon ginagawa. Gusto ko ding makatulong sa ibang tao kaya naman binabahagi ko ang mga pagkain ko.

"May naisip akong solusyon," ani Gerald

"Ano iyon?" seryosong tanong ko.

"Tutal ayaw mo naman sa mga babae na humahabol sa iyo, bakit hindi kaya... Kausapin natin si Fred na magpanggap bilang nanliligaw sayo? Para atleast diba kapag napansin iyon ng mga babae ay may chance ta tumigil sila," sagot ni Gerald.

"Fred? Straight yung tao pre, at ako din ay straight. Ayokong ma issue ako na kaya walang girlfriend ay dahil lalaki din ang gusto," nagtataka at seryosong sagot ko.

"Kunwari lang naman para lang tumigil sila sa kakahabol sa iyo," sagot ni Gerald.

"Kung ayan lang ang tanging paraan para matahimik ang buhay ko. Sige basta kunwari lang," seryosong sagot ko. Saka itinuloy ang pagkain.

"Ako na bahala kumausap kay Fred tutal kaibigan ko din naman yun dahil sa tropa ko, di lang ganoon ka close tulad ng sa iyo," sagot ni Gerald. Napatitig ako sa mesa na nasa aking harapan habang ngumunguya ng pagkain sa aking bibig. Iniisip ko kung tama bang desisyon ito. Pero sabi ko sa isip ko bahala na. Umaasa ako na sa ganitong paraan ay matatahimik ang aking buhay.

 

 

 

 

Gerald’s POV

Nasa classroom na kami ngayon at mahahalata jay John na siya ay may iniisip. Alam ko kung tungkol saan ang kanyang iniisip - at iyon ay tungkol sa kung tama bang pumayag siya sa aking plano. Maging ako ay naguguluhan kung tama ba ang aking naisip ngunit iyon lamang ang daan na sa tingin ko ay makakatulong. Kahit na hindi ako sigurado ay alam kong makakatulong iyon.

Pagkatapos ng aming mga klase ay nauna nang umuwi si John. Hindi ko na siya iisama sa pakikipag usap kay Fred dahil gusto kong makapag pahinga siya sapagkat magiging kumplikado ang mga mangyayari sa susunod na mga araw. Nagpasama ako sa aking tropa na si Hanz upang kausapin si Fred. Ikine-wento ko din muna kay Hanz ang naisip kong plano, nuong una ay ayaw niyang pumayag sapagkat kilala niya si Fred at alam niyang hindi ito papayag. Ngunit napilit ko din siya sa sinabi kong iyon lamang ang tanging paraan upang maging tahimik ang buhay ni John. Sanggang dikit sila Hanz at Fred, ang kanilang pagkakaibigan ay mahintutulad sa amin ni John.

"Ano!? Bakit ako? Bakit hindi na lamang siya lumayo ng wala ng problema!?" gulat na tanong ni Fred nang marinig ang aming sinabi ukol sa planong kunwaring pangliligaw kay John.

"Naisin nya mang lumayo ay hindi pwede. Maraming humahabol sa kanya," sagot ko.

"Isa pa, alam na ng mga babae na sila sila lang din ang naglalaban para sa pagmamahal ni John. Kung babae lang din ang aming kukunin bilang pekeng kasintahan ni John ay maaaring hindi pa din tumigil ang mga naghahabol sa kanya," paliwanag ni Hanz.

"Akala ko ba liligawan lang? Bakit may kasintahan nang pumasok?" tanong ni Fred.

"Sa una ay ligawan muna, kapag hindi tumigil ang mga babae ay magkukunwaring magkasintahan na kayo," sagot ko.

"Pumayag kana Fred, iyon lamang ang tanging paraan upang matulungan namin si John, kawawa naman yung tao. Gusto nya na ng tahimik na buhay," malungkot kunwari na dagdag ni Hanz.

"Bakit hindi nalang niya hayaan yung mga nagkakagusto sa kanya? Hindi nya ba kayang tiisin nalang ang mga iyon tutal malapit na tayong grumaduate at umalis sa paaralan na ito," nakakunot noong tanong ni Fred.

"Alam mo Fred... Haa! Ganto kase iyan..."

 

 

 

 

 

---Flashback---

John's POV

Kuhanan ng card namin ngayon at alam kong dapat na akong kabahan sapagkat nararamdaman ko na hindi ganoon kataas ang aking marka. Si mama nga pala ang kukuha ng aking grado kung kaya't mas lalo akong kinakabahan. Nangako ako sa kanya na ngayong quarter ay pagsisipagan ko na. Nagawa ko namang magsipag, ngunit hindi ako ganoong nakapag tutok sa aking pag aaral. Dahil ito sa mga humahabol sa akin.

"John ano ito!? Ang baba ng mga grado mo!" galit na sabi sa akin ni mama pagkauwi niya ng bahay. Hindi ko na siya inantay sa paaralan sapagkat gusto ko nang magpahinga at makalayo sa mga babae sa paaralan.

"Pasensya na ma, hindi ako makapag aral ng ayos dahil-

"Puro ka nalang palusot! Kapag hindi mo pa sinipagan... Papatigilin na kita! Sayang ang pera sayo! Puro ka lakwatsyang bata ka!" naputol ang aking sasabihin nang sumingit si mama. Pagsabi niyan ay bigla na siyang umalis at mahahalata sa kanyang mga padyak ang inis at galit. Pabagsak niya ding isinara ang pinto ng kwarto ko.

"kung alam mo lang ma…" pabulong kong sabi saka pinunasan ang luha na tumulo sa aking kaliwang mata. Humiga ako at niyakap ang unan ko. Pinilit ko na lamang makatulog nang di maramdam ang inis, galit at lungkot. "Kasalanan nyo ito..." dagdag ko saka pumikit.

---End of flashback---

 



"Kawawa naman si John, sige Gerald, Hanz... Tutulungan ko na kayo," naaawang banggit ni Fred.

Nanglaki ang aking mga mata sa tuwa. Hindi ako makapaniwala na papayag na si Fred sa aming plano.

"Salamat Fred!" masayang banggit ko.

 

 

 

 

 

 

 

John's POV

Ilang araw na ang lumipas na puro panghahabol ng mga babae ang tanging laman ng aking araw. Nakakasawa man ngunit hindi ko mapigilan. Pero... Nagulat ako sa isang tsokolate na nakita ko sa aking locker kahapon.

"Para sa lalaking gustong gusto ko:>," iyan ang nakasulat sa papel na nakadikit sa tsokolate.

Hindi ko alam ngunit ako'y kinabahan. Kilala ko ang sulat na iyon, alam kong kanya iyon. Alam kong hindi iyon galing sa mga babae na humahabol sa akin. Isa pa, wala silang hawak na susi ng aking locker. Ang tanging may kopya lang nito ay si Gerald sapagkat siya lang ang aking pinagkakatiwalaan. Ngunit, ang sulat - hindi ito sulat ni Gerald... Ito ay sulat ni...

"Fred Velasco...?" naguguluhan kong tanong sa aking sarili. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na binigyan niya ako nitong tsokolate na ito. Nandito ako ngayon sa classroom at nakatitig pa din sa pagkain na bigay niya kahapon.

Kinausap ko si Gerald ukol sa bagay na iniisip ko. Sobra na akong naguluhan. Hindi ko alam na pumayag siya sa planong sinabi sa akin ni Gerald, ang akala ko hindi siya papayag, ang akala ko babali walain nya lamang ito. Isa pa, walang nabanggit si Gerald o Hanz tungkol sa bagay na ito. Basta ang akin, kahit anong mangyari, tuloy ang buhay.

"Oo pumayag sya, ‘di ko na nasabi kase busy tayo these past few days at gusto ko mag focus ka muna sa pag aaral natin," sagot ni Gerald sa akin.

"Akala ko hindi pumayag?" matipid kong tanong.

"Sabi sayo, akong bahala," sagot ni Gerald.

Akala ko ay hindi na iyon masusundan ngunit halos araw araw siyang may ibinibigay sa akin. Merong tsokolate, kukutin, softdrinks, gatas, tinapay, at kung ano ano pa. Maging sa aking pagkain ay sinasamahan niya ako hanggang pag uwi. Tinatanong na din ako ng mga babae tungkol kay Fred at ang aking sinasagot ay manliligaw ko siya. Ang karamihan ay nalungkot, mayroon ding nagagalit kay Fred, mayroon ding naiinggit ngunit ang pinakamalala ay ang nararamdaman ko. May halong saya, kilig, at sabik na araw araw kong nadarama. Iniisip ko kung ano naman kaya ang gagawin niyang aksyon upang ako ay alagaan.

Aminin ko na nung una ay hindi ko gusto ang bagay na ito, naiilang ako. Gusto ko siyang patigilin. Ngunit kada minuto, oras at araw na inaalagaan o nililigawan ako ni Fred ay nagugustuhan ko na. May oras din na hindi ako makatulog sa gabi kakaisip sa kanya. Mayroon ding araw na ang aga ko pumasok upang maabangan siya. Maging sa aming pag uwi ay makikita mo ang alaga niya. Hindi niya hinahayaan ang sino man na lumapit sa akin. Walang nangungulit, walang nangiinis, walang nagtatangkang guluhin ako sa pag aaral. Nakatulong ang mga iyong upang tumaas ang aking mga score sa mga quiz, test at gumanda din ang aking performance sa school. Ang dating walang maisagot ay mayroon na ngayon. Ang dating palaging inis dahil naiirita, tahimik na ang buhay ngayon. At ang dating akala ko ay wala lang... May something na pala.

"Salamat pala Fred ah?" mahinhin kong banggit habang naglalakad pauwi kasama si Fred.

"Huh, saan naman?" tanong ni Fred.

"Sa lahat, sa pagtulong para mawala yung mga nasunod sa akin, sa pagbubuhat ng gamit ko pauwi kahit di naman kailangan, sa pagpapasaya, sa pagtulong," sagot ko.

"Hehe wala yun basta ikaw, for now kailangan mo na ng tahimik na buhay para naman magkaroon ka ng kalayaang gawin ang gusto mong gawin," nakakaluwag damdaming sagot ni Fred. "Oh, andito na pala tayo sa inyo, sige na ito na yung gamit mo, pumasok kana at mag aral para sa quiz nyo bukas. Wag ka mag alala, sasamahan pa din kitang pumasok bukas okay?" dagdag ni Fred.

"Salamat talaga Fred. Sige ingat ka ha?" sagot ko saka pumasok sa loob. Napangiti ako pagkasara ng pinto at saka tumuloy sa aking kwarto upang magbihis. Nag review na din ako pagkatapos bago kumain at natulog.

 




Fred's POV

Ilang buwan na din akong kunwaring nangliligaw kay John. At natutuwa naman ako na malaki ang naging tulong nito. Wala na ang mga dating nanggugulo kay John. O kung meron man, kontrolado. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin pero ang mga tingin ni John sa akin ay iba na. Malagkit na ang mga ito at ang ilan sa mga salita niya ay tila ba may ibang ibig sabihin.

"Kailan ba matatapos iyon, love?" natigil ako sa pag iisip ng magtanong ang aking girlfriend.

"Malapit na love, konti nalang titigil na ako dun sa pangliligaw ko kunware kay John," sagot ko dito saka ngumiti at lumapit sa kanya.

"Kase naman love, date natin ngayon pero halatang may iniisip ka. Pwede mo naman sabihin sa akin kung ano yan," nagtatakang sagot ni Claire.

"Ahh wala ito love, masaya lang ako na nakakatulong, tara kain na uli tayo. Ang sarap nitong chocolate cake nila ah!" nakangiting sagot ko kay Claire.

"Okay love, alam mo kaya ako na in love sayo eh... Bukod kase sa matalino ka, matulungin pa! Nakaka turn on ka love!" masayang sagot ni Claire.

Tinuloy namin ang pagkain. Hindi ko maiwasang tingnan ang mga mukha ni Claire habang siya ay kumakain, nagsasalita, at ngumingiti. Tila ba ako ay nakikipag usap sa isang anghel. Ang kanyang maamong mukha, singkit na mata, makinis na balat, mala porselanang kutis, at saktong tangkad ay bagay na bagay sa pula niyang suot ngayon. Maging ang kanyang kulot na buhok ay bumagay din sa kanyang make up.

Pagkatapos namin kumain ay inihatid ko na si Claire sa kanilang bahay. Hindi naman nagalit si tita kahit na mag aalas-diyes na ng gabi ko siya naihatid. May tiwala naman sa amin si tita at ayaw namin iyong masira. Tuwang tuwa si tita Maneth, nanay ni Claire sa dala naming pasalubong. Nagpasalamat ito at saka ako kinunan ng maiinom na orange juice. Inubos ko ang inumin at saka tumayo at nagpaalam para umuwi. Habang nasa sasakyan at nagmamaneho ay tumunog ang aking earphone. Tanda na may tumatawag

"Ting ting ting," tunog galing sa earphone. Akin itong sinagot at nagulat ako sa tumawag.

"Hello, Fred?" boses iyon ni John.

"Sup pre? Musta? May problema ba?" tanong ko.

"Ahh ano eh, may sasabihin sana ako bukas. Kung okay lang?" tanong ni John.

"Ahh oo naman. Sige bukas kita tayo sa parke malapit sa amin tutal wala namang pasok dahil lingo," sagot ko.

"Sige salamat. Goodnight na din pala Fred. Kita tayo bukas," dagdag ni John.

Pinatay ko na ang tawag atsaka bumalik sa pakikinig ng kanta habang nagmamaneho pauwi. Pagkadating sa bahay ay nagpahinga lang ako saglit habang nakatitig sa larawan namin ni Claire. Napakaganda talaga ni Claire sa aking mga mata. Pagkatapos Niyon at nagshower na ako at nagbihis ng pangtulog bago humiga at matulog.

 




John's POV

Ngayon na ang oras para magkita kami ni Fred. Hindi ko alam kung tama ba ang sasabihin ko. O kung dapat ko ba itong sabihin. Pero bahala na ang mahalaga ay masabi ko. Ilang araw na akong ginagambala ng pagiisip kong ito at tingin ko ay dapat ko ng sabihin ito sa kanya. Hindi ko ito nabanggit kanila Gerald at Hanz. Sapagkat gusto ko, si Fred ang unang maka alam. Sana lamang tama ang aking desisyon, sana lamang hindi ako masaktan ng sobra, at sana lamang parehas kami ng nararamdaman.

"Sup John! Anong meron?" nagulat ako ng marinig ang pamilyar na boses ni Fred.

"Dito ka tabihan mo ko sa upuan," tawag ko sa kanya. Unti unti siyang lumapit saka umupo katabi ko.

"Kamusta Fred?” hindi ko alam ngunit ayan ang unang natanong ko.

"Ayos lang naman ikaw? Ano na miss mo agad ako? HAHAHA," pabirong tanong ni Fred.

"HAHAHA loko! Ang totoo nyan may tatanong sana ako importante," seryosong banggit ko.

"Ohh ano iyon?" tanong ni Fred.

"Y-yung pangliligaw m-mo ba s-sa akin... P-part of the plan pa din ba... O-o seryoso na?" nauutal kong tanong.

"Huh? Ano bang tanong yan? Syempre plan pa din bakit?" nanlaki ang aking mga mata sa seryosong sagot ni Fred.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Halo halo. May gulat, kaba, lungkot, sakit, pighati, lumbay, at kung ano ano pa. Hindi ko alam kung bakit pero... Nalulungkot ako sa aking narinig.

"Ahh ehh -

"Bakit? Sineseryoso mo na ba? Wag mong sabihin na kinikilig kana? Natutuwa kana? O nagugustuhan mo na?" natigil ako ng sumabat si Fred at sunod sunod ang mga tanong. Pinagpawisan ako ng bahagya sa mukha at halatang kinakabahan. Nagpapawis din ang aking mga kamay at gusto ko na lamang malusaw sa aking kinauupuan.

"Magagalit kaba kapag... Sinabi kong... oo?" hindi ko alam ngunit ang katagang iyan ang lumabas sa aking bibig. Hindi ko magawang tumingin ng deretso kay Fred. Nahihiya ako. Natatakot. Kinakabahan.

"Hindi ako magagalit. Nalulungkot ako na-

"Nalulungkot ka na sineryoso kita? Na napamahal na ko sayo? Na na na na inlove ako sayo?”pinutol ko ang mga sasabihin pa sana ni Fred. Punong puno na ang emosyon ko ngayon. Gusto ko nang kumawala ang mga ito. Gusto ko nang aminin ang nararamdaman ko sa kanya. Gusto ko ng matigil ang pagtatago ng aking nararamdaman.

"OO! Nalulungkot ako na nangyari iyan sayo. Look John, I'm straight. I have a girlfriend. Ginawa ko lang ang mga iyon dahil naaawa ako sayo. Naaawa ako na hindi ka makapag focus sa pag aaral mo dahil ang daming gumugulo. And... And as your friend, gusto kitang tulungan, gusto ko makatulong kahit na mahirap at hindi ko naman gusto ang mga gagawin," mahabang seryosong sagot ni Fred. Naiiyak na ako. Hindi ko na talaga alam ang mararamdaman ko. Sobra nang sikip ng dibdib ko. Gusto kong sumigaw, umiyak, umalis at magwala.

"Pero bakit ka ganoon? Bakit sobrang bait mo? Bakit sobrang alaga mo? Bakit bakit bakit napaka galing ng pangliligaw mo? Bakit na fall ako sayo!? Fred ha bakit?” pasigaw na tanong ko habang umiiyak. Halo halo na ang aking nararamdaman.

"Hindi ko hawak ang nararamdaman mo John. Ang akin lang, gusto kitang matulungan. Kaya ganoon ang ginawa ko dahil gaanon ako mangligaw. Ginawa ko lang ang bagay na alam kong tama," sagot ni Fred.

"Tama ba na hinulog mo ko sa pagmamahal mo at hindi mo ito sinuklian!? Tama ba na para akong tangang kinikilig sayo without knowing na parte pa din pala ng plan yung ginagawa mo!? Tama na yun Fred!?” sigaw na tanong ko habang naiyak. Tumitingin na ang ibang mga tao sa amin, ngunit wala akong pakialam.

"Wag ka sumigaw John, nakakahiya sa mga tao. Oo, it's all part of the plan at wala akong plano na pahulugin ka sa pagmamahal ko," sagot ni Fred na nagpalamig lalo sa katawan mo.

"Wala akong plano... Na pahulugin ka John," ulit ni Fred.

"Kung ganoon sana... Sana... Sana umpisa palang tumigil kana! Sana dati palang tinigilan mo na Fred!" naiiyak kong sagot.

"Kung tumigil ako paano ka? Kung tumigil ako paano ang buhay mo? Patuloy na lamang bang guguluhin?” tanong ni Fred.

Wala akong masagot sa kanya. Naninikip na din ang aking dibdib. Ang akala kong parehas naming nararamdaman ay hindu pala. Ang akala ko na pagmamahal niya ay seryoso... Part of the plan lang pala. Ang akala kong kami na... Akala ko lang pala. Lahat ng akala ko, masakit. Lahat ng akala ko. Di totoo...

"Kung hindi mo mamasamain... Kailangan ko na munang umalis John? May lakad pa kami ng girlfriend ko ngayon. Naghihintay na sa akin si Claire... Kailangan ko ng umalis," tumayo si Fred pagkasabi ng mga katagang iyan. Ako naman ay napatungo at napahawak sa mga mata habang naiyak.

"Fred sandal," hindi ko alam ngunit, tumayo ako at humabol sa kanya saka siya niyakap sa likod. "Wag mo akong iwan please?" tanong ko kay Fred habang umiiyak. Humarap si Fred sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Sorry John, hindi ikaw ang gusto ko. May iba akong gusto. Tingin ko kailangan ko na munang lumayo upang malimutan mo ako, tingin ko ito na ang oras upang tigilan na natin ang planong ito, tutal tapos na naman ang misyon ko sayo. Wala nang nanggugulo sayo. Ayos na ang buhay mo. Wala ng istorbo," sagot ni Fred sa akin na nagpaluha sa aking mga mata. Binitawan niya ang aking mga kamay saka pinunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang panyo.

"Fred please... Hug me..." naiyak kong pakiusap kay Fred. Niyakap ako ni Fred ng maluwag habang ako ay naiyak. Saglit lamang ang yakap na iyon ngunit para sa akin ay napaka sarap dahil nayakap ko ang taong gusto ko...

"Sa iyo na itong panyo. Punasan mo ang luha mo kapag naiyak ka ulit, sa ngayon kailangan ko ng umalis. Paalam na John. Lalayo na muna ako. Wag mo na akong iisipin ah? Wag mo ding papabayaan ang iyong sarili. Palagi kang mag aral at magseryoso sa mga bagay bagay. Siguro nga hanggang dito nalang muna tayo. Paalam." Tumalikod na si Fred pagkatapos magpaalam. Ako naman ay naiyak pa din habang niyayakap ang panyo na bigay niya. Nakita ko din na kinuha niya ang kanyang cellphone saka inilagay sa kanyang tenga. Siguro ayun na si Claire. Tinitigan ko siya hanggang sa maka sakay sa kanyang kotse at makalayo.

"Paalam Fred... Salamat sa lahat... Ang swerte ng girlfriend mo... Ang swerte nya sa iyo..." bulong ko.

 

Umuwi na ako ng bahay pagkatapos kong umiyak. Kinuha ko ang aking journal at ballpen saka sinimulang isulat ang mga bagay na nagyari ngayong araw. Nasa tabi ko ang panyong bigay ni John. Tinitignan ko ito kapag naalala ko ang mga detalye na mahalaga ukol sa kanya. Napapangiti na lamang ako kahit na may natulong luha sa aking mga mata habang binabalikan ang mga nangyari at sinusubukang isulat ito ng sobrang detalyado sa journal ko.

"Love is fun, masaya sa una dahil... Hindi mo alam kung hanggang saan kayo... Tapos magiging kampante ka sa gitna dahil akala mo... Kayo na... Akala mo siya na... Kampante ka na magtatagal kayo... Kampante ka na gusto ka din nya... Pero ang totoo... Maaaring ikaw lang ang may pagmamahal na nararamdaman... Maaaring ikaw lang ang may gusto... Kaya sa dulo - sakit, puot, at pighati ang mararamdaman mo... Don't be a fast lover John, para di ka masaktan..." iyan ang mga katagang isinulat ko sa dulo ng aking journal.

"I want this uncomfortable feeling to be gone..." bulong ko habang nakaupo at yakap ang journal ko...




Wakas (?)

Comments